May 28, 2007

"Hula..Hula..Hoop" (My Predictions)

Mga ineng, its Miss Universe 2007. Wala akong cable, so salamat muna sa KAPAMILYA network for this year's Miss Universe coverage. Meron pa silang pre-pageant special na nalalaman hosted by Mr. Boy Abunda and Ms. Charlene Gonzales-Muhlach. I also apologize na hindi ko madalas i-update ang site na itei! I am busy like hell... However, hindi ko papalagpasin ang chance na ma-ishare ko sa inyo ang aking prediksyon! This is my HULA..HULA..HOOP Miss Universe 2007 edition...

"The Alternatives" - These are the girls that could enter the semifinalists' list. Napansin ko lang na madali silang matabunan if they are with the "OTHER" girls.

1. Dominican Republic (Massiel Taveras) - Rampadora si ateh! Nakita nyo nman kung paano kumembot ang lola sa preliminaries. The problem is madali siyang PUMANDAK at PUMANGIT kapag itabi siya sa mga BIGATIN. Lalo pa at isa siyang Latina. Nawawala ang ganda ni Lola pagkatabi ang mga kapitbahay niya.
2. Tanzania (Flaviana Matata) - Kalbo! Kalbo! Kalbo! Yan palagi ang panlalait na naririnig ng kaibigan ko nuong mga bata pa kami. Then parang bumaligtad ang panahon at puede palang maging DYOSA ang isang KALBO! Hahahaha! Super-hype si ateh! If you would check beauty pageants websites, palaging kasali si lola. Bhaket naman hindi? Madaling xiang mapansin... This would be the first entry of Tanzania sa Miss Universe (MU) and usually there are "special gifts" given for first timers. Remember Mpule Kwelagobe (MU 1999)????? I think hindi. Hindi nya kaya ang nakayang gawin ng pinsan kong si Mpule. There was even a pic na kasama niya si Filipins at si Bolivia. Nawala sa paningin ang lola.
3. Panama (Sorangel Matos Arce) - Carnivalish national costume + great catwalk+ good swimsuit (SS) and evening gown performance (EG) + a 5'9" yet looks 5'5" beauty = Sorangel :)
4. Antigua and Barbuda (Stephanie Winter) - Pagbigyan nyo na ako! oh my gosh! straight na siguro ako at parang type ko ang babaetang itei. Hindi mo xia mafe-feel... Hindi mo xia masyadong makita sa picsss... Para xiang taga-karnabal sa costume nya... as in totally nothing xia for others.... But i really like her talaga. Malay natin! In every batch ng semifinalists meron talagang shocker!!!! Puede xia... pretty kasi:)

5. Thailand (Farung Yuthithum) - Representing the Land of Trannies (Thaiwang) hahahahaha! Like ko si ateh sa mga nagkalat na video nuong preliminaries. Todo-bigay ang lola nyo.... Subalit, hindi ko talaga makakalimutan nung first kong narinig ang boses niya sa interview... parang (dating) lalaki...
hahahahaha! eh marami nyan sa kanila! Malay natin!?!
"The Dark Horses" - These are the girls that could easily snatch a semifinalist or even a finalist shot. Some of these girls were my super faves early on yet para silang mga ice cream na nabilad sa ilalim ng araw!
1. Angola (Micaela Reis) - Mixed feeling ako dito kay ateh! Super kabogera sa prelims... Mega catwalk pa! Ganda ng performance sa SS & EG (clap!clap!clap) Disappointed nga lang ako sa pic nya sa MU website. Define, sabog sa droga/ginahasa ng isang batalyong ___/dumaan sa butas ng karayom?????
2. Colombia (Eileen Roca) - Fashionista si lola! (Ganun nman palagi! Basta taga colombia winner ang outfit tapos after gamitin ipapasa sa Filipins!) Bet ko ang mga suot nya dun sa mga promotional pics nya! super taray.... tingnan mo nman yung national costume nya = flame of recca inspired:) Ganda nman si ineng, seksi, may kapandakan nga lang (she is 5'7") pero weird talaga ang hugis ng mukha at ulo niya! hindi ko alam....
3. India (Puja Gupta) - Puja nman itong si Puja! kung mababasa mo ito day (yun ay kung knowing mo ang tagalog)! alam mo bang gusto na kitang hampasin ng kaldero at batuhin ng make-up kit ng amo ko! sus ginoo day! hindi kaba nag-training at para kang tinderang may dalang bilao kung maglakad? Sayang abg beauty mo dai! super ganda mo.... buti pa si Neha (MU India 2006) super catwalk yun...

4. Norway (Kirby Ann Basken) - If hindi man pasok sa banga itong si ISKA, puede na rin itong si Kirby! In fairness minsan na rin nyang dinala ang pangalan ng Filipins sa isang international na patimpalak (Miss Intercontinental 2006). Maganda si ineng at marunong landiin ang mga lente ng mga cameramen.... Parang weird man yung EG nya! bet ko pa rin!


5. Japan (Riyo Mori) -
Awayin ba ang Filipins... Ateh, masama yan! wag maging chismosa.... In fairness ni ateh, palaban xia! Bilib nman ako kasi napatunayan niya na isa siya sa mga malalakas kung Asya ang pag-uusapan. Fashionista ang lola! at remember mayaman xia! Gucci ba nman ang gown na gamitin sa prelims... Kaya lang magkapareho sila ng Ninang Oprah ko! Baka nman may hindi matuwa. Alam mo day! ang problema sa yo para kang hinulma sa katauhan ni Kurara (MU Japan 2006). Maawa ka nman sa sarili mo!
My Top Ten Etoh na ang mga maswerteng nakapasok sa aking Top Fifteen.... Alam kong hula lang however, ako'y mananatiling masugid na tagahanga ng mga babaetang etoh:
15. Russia (Tatiana Kotova) - May "Kotov" ako dito kay Kotova! Boobita rose ang lola! Super Big ang hinaHARAP niya! But hindi lang yon ang like ko sa kanya (never pa din ako nag-like ng mga ganon), super emote si lola pag may camera! Playful kumbaga! marunong xiang lumugar. Mapapansin na hindi gaano fashionista ang lola pero pansin pa rin. Maganda kasi at charming. Hindi lang xia nag-excel masyado sa prelims... 14. Slovenia (Tjasa Kokalj) - Parang related kami, parang magkapareho ang sound ng last names namin.. Hehehe! Second Blonde (1st ay si Russia) Malakas ang dating ng mga Blandina ngayon... Super galing maglakad lalo na sa SS... Mataas ang lola! at gandara parks din xia! Parang malayo ang mararating! Parang sad lang ako ng konti sa EG performance niya.
13. South Africa (Megan Coleman) - Another Blonde for us! Eleganteng elegante! If mga 60's or 70's pa rin ngayon... maaring xia ang mag-uwi ng korona! Siya super kagalang-galang na babae! Yung sophisticated ang beauty... Gandara nman maglakad ang lola... I think hindi nga lang ganoon ka-flattering ang red gown nya! She reminds me of Lauriane (MU Switzerland 2006)..
12. Philippines (Anna Theresa Licaros) - There are 3 reasons why like ko ang babaetang eto! First is kapangalan niya ang BFF ko! hahahahahaha! Second is Iska xia Isko/a nman akei! At pangatlo dahil FILIPINS ang dala nyang pangalan. Xiempre love thy own kaya! Seriously, nakakakita nman ako ng pag-asa dito kay Tere! May laban ang lola sa pagka-elegante at sopistikada ng lola ko. She is so consistent. Since day 1 sa Mexico, hindi mo xia makikitang ngarag ang feeling... Kahit nasa zoo, nasa ospital, nakasakay ng bangka, or kahit nasa musuem or beach, elegante pa rin si Mz. Filipins.... Alam kong kumabog ang lola sa Interview subalit parang nakulangan ako sa SS at EG performance niya. Alam kong prefer ni Trump yung mga beautiful inside not more on the outside type of beauty because of the recent scandals na involve ang Miss Universe Organization (MUO), kaya feel kong pasok sa banga itong kababayan natin.
11. Brazil (Natalia Guimaraes) - Aaminin kong mukha xiang lola! as in literally lola! (Makyonda) but in fairness lumalaban! Hindi nman maikakaila na malakas ang dating niya kasi may napatunayan na (WINNER: Top Model of the World 2007). Malakas din nman ang performance niya sa prelims both SS & EG kahit hindi ko masyado bet yung gown niya! Alam kong pasok itoh!
10. Indonesia (Agni Pratistha Kuswardono) - Para xiang "Global Shocker". Yeah maganda xia... type ko ang beauty even nung hindi pa nagsisimula ang kompetisyon. Subalit akoy namangha sa kanyang pinakita sa prelims. Bububog! Yan ang sound ng pagkalabog ni Agni sa prelims. Ganda ni ateh lalo na sa gown niya winner. She is Indonesia's revenge para sa last year's snub for Nadine.
9. Paraguay (Maria Jose Maldonado Gomez) - It started with Yanina's placement. Then sunod-sunod na ang pamamayagpag ng Bansang itei sa MU. Top 5 sila last year at parang hindi sila uuwi ng luhaan ngayong taon. Ipinadala nila ang GLAMAZONANG ito. Kahit xia ay 5'8 lang kumpara sa mga towering latinas, hindi patatalo ang babaetang itei. Kabog ang prelims at gandara ng mukha at katawan. Kahit ilagay mo xia sa likod litaw ang ganda ng lola!
8. Italy (Valentina Massi) - Para xiang si Valentina at ako nman si Darna! Napakasakit para sa akin na isama ang babaeng ito sa listahan ko. Ayoko sa kanya kasi member xia ng "Mean Girls" = etoh ung grupo ng mga kandidatang palaging kasama ung mga kapitbahay nya at parang sa tingin mo ay nangangaway nung mga chaka at pobreng bansa! hahahahahha (Italy+Finland+France).... Ano ba ang magagawa ko? Nung makita ko yung performance nya sa SS prelims ay lumuhod ako sa harapan ng dyosang ito. Polished catwalk will give her a spot in the semis...
7. Mexico (Rosa Maria Ojeda Cuen) - This is not MU 1993 part 2 (Nung MU 1993, ginanap din sa Mexico kung saan nanalo si Dayanara Torres, hindi nakapasok ang hometown girl)! Pasok na pasok sa banga itong si rosa maria! parang telenovela nman! Maganda, Seksi, Magaling maglakad, at xiempre sikat! Hindi papayag si lolo Donald na hindi pumasok ang babaetang ito baka hindi na xia makalabas ng buhay sa Mexico.
6. Greece (Doukissa Nomikou) - Mahal ko ang babaeng itoh! Super bow nman ako sa official headshot nya! parang vogue! Moodel na moodel ang dating! Knowing na the day after she won eh lipad agad sa Mexico ung beauty nya, hindi pa rin nagpatalo ang apo ni ng mga Dyosa sa Mt. Olympus.... Subalit ng makita ko kung paano naglakad ang lola nuong prelims, kulang na lang ay ibato ko ang computer.... Naku inday! Katakot yung lakad mo... naiintindihan ko nman kasi kulang ka nga ng preparation... Alam ko nman kung pagandahan lang may korona ka na agad!
The Winners
4th Runner-up
Spain (Natalia Zabala Arroyo) - Gusto ko talaga itong si Lola kahit nuong una pa! Meron nga panahon na siya yung Bet kung mag-uwi ng Korona! Halos lahat ng events present ang Lola niyo. At take note, isa xia sa may pinakamaraming pictures... Knowing na dating colony ng Espanya ang Mehiko, hakot ng audience at suporta ang lola mo. Kita nyo ung officila headshot ni ateh? parang si Janice Dickinson na naging elegante (walang kwenta kasi ung orig).. Effect itei. Sa prelims video nman, OK lang xia! Kasi nman hindi nya kinabog ung bestfriend niyang si Ly (MU 2007 Venezuela).
3rd Runner-up
Puerto Rico (Uma Blasini) - Kahit ano ang mangyari wiz na mananalo itong si Uma Khouny ay este Blasini! Remember wala pang bansa ang nanalo in two consecutive years at si Lola Zuleyka po ay galing Puerto Rico din. Hindi ganoon kagandahan itong si Uma subalit, as expected, panalo ang catwalk at diva ang feeling nya. 6 footer ang lola mo kaya hindi mo kayang i-ignore! Wish ko lang nman na sana matuto xiang mag-SMILE!
2nd Runner-up
Venezuela (Ly Jonaitis) - Ang misyon ni Ly? Ipaghiganti ang nangyari kay Jicztad last year (MU 2006 Venezuela). Complete package itong lola! Ganda na! Rampadora pa... Halatang palaban... Parang member din xia ng "Mean Girls: Latin edition" sabi pa nga ng chismosang Japan, ayaw daw makipag-usap nitong si Ly sa mga kandidatang hindi marunong mag-espanyol... Ma juray nman itong si Ly.. Kaya dahil sa kadidikit nya kay Spain mukha tuloy xiang ka2long nitong si Natalia! Hahahahahaha!
1st Runner-up
Korea (Honey Lee) - Si Honey ang pinakamalakas ang dating sa mga Asyanang delegada! Toned body, exceptional interview, great SS prelims, OK EG performance! Pero masasabi kong si Honey na ang pinakamagandang representante ng Korea EVER! Super prepared ang Bruha (1 week before na official start of the pageant, eh nasa Mexico na ang Lola niyp). Super winner ang National Costume nya... Maganda at sikat! Siniraan nga xia ni Japan kaya alam nating BET ito.... Hindi ako malulungkot if ibibigay ng MUO sa Korea ang kanilang UNANG korona ngayong taon
Miss Universe 2007
USA (Rachel Smith) - Again, hindi pipili ang MUO ng mga moodel type winner this year! With the controversy na ginawa ni Tara Conner, naghahanap ang MUO ng personality/intelligent winner typr of beauty! Hindi xia ganoon kaganda! alam ko! kaya lang package ang personality ng Lola! Poise! Charm! Elegance! Intelligence! Yung tipong puedeng makipag-kape kasama ang presidente ng amerika!?! Graduate lang nman xia as Magna Cum Laude at nag-volunteer sa mag project/s ni Tita Oprah! Panalo nman!

Masasabi kong makulay nga ang taong ito para sa MU. Marami ang nangyari kagaya ng hindi pagsali ng powerhouse country na Trinidad & Tobago at ang pagkonti ng mga kalahok (from 86 last year to 77 this year), subalit nananatili paring exciting at inaabangan ang Miss Universe. Bilang pagtatapos, ilalahad ko ang aking prediksyon sa magaganap na patimpalak ilang oras mula ngayon... Ang mananalo ay galing sa AFRICA, ASIA, or EUROPE...

No comments: