May 31, 2007

ASIA: Eastern Beauty SuperPower

O ayan! Tapos na ang Miss Universe (MU) 2007. Pahinga na nman para sa mga bading at nagbabading-badingan... Abang na nman tayo sa susunod na patimpalak ng kagandahan... I apologize for this late review of the MU Finals Last May 29, 2007 (Manila Time). Hinayaan ko munang matapos ang mga sinasabi ng mga kabadingan sa buong world at hayaan silang iplabas ang kani-kanilang sentimyento. Etoh at sisimulan ko na!

Etoh na nga! After a month of preparation, It's the Finals' Night for Miss Universe 2007. The event started with the contestants introducing their names & countries respectively. They were wearing their National Costumes. The stage was so bare... Boring ang lights, and with that short, rather fast, introduction! It was a disaster..... Then came the Production Number! Feel kong, it was super short! I like the song that was used though! I was not a fan of the stage as well kasi, it was soo "SHOWGIRL". Para nmang kinalakal yung mga kandidata. Mixed emotion ako sa Hosts! Gwapo nman talaga itong si Papa Mario subalit hindi nman nagpatalbog ang Lola Vanessa mo! I was quiet anxious if kaya ba nilang magHost ng ganito kalaking event. (Gosh! I miss Daisy Fuentes). Hindi ko na papahabain itoh! But still I was soooooooooo excited! With Tere's performance, may feeling akei na Luz na nman tayo, but mahal ko pa rin xia & proud akong talaga sa Lola. (Sa ibang post na lang etoh!)
Then the Top Fifteen was announced. Para akong contestant at hindi mapakali sa kung ano ang resulta! Venezuela ang unang tinawag. Sabi ko, ayan sige ipaghigante ang nangyari nuong nakaraang taon! Ipaalam sa madlang people na nangunguna pa rin ang inyong bansa sa larangan ng pagandahan. Thailand came in! Oo kasali xia sa prediksyon ko! Pero wiz ko iniiexpect na ganito kalakas ang hatak ng lola! Feeling rampadora si lola! Mataas kasi eh! Sunod na tinawag si Denmark! I really thought that it was a joke! Ay hindi pala at hayun, ang hitad ay napakasaya at naglalakad na papuntang gitna. Saan nman kaya nanggaling itong Lola niyo... Hindi nga xia maramdaman eh! Nicaragua came third... ayun pasok sa banga! alam kong hindi ko pinansin ang hitad! papangatawanan ko iyon... hindi ko talaga xia type! Mas maganda pa rin ang pinadala nila last year. Si Angola nman ang next! Galak nman ako at napansin ang beauty ng bruha! Rampa pa lang at kung pano xia tumingin, pasok talaga sa banga si lola! Slovenia was next.... Kasali siya sa prediksyon ko kaya happy nman ako. You can't ignore her presence. Alam mong sa kaseksihan nya ay sure winner etoh! I was not shocked when the hosts called USA & Brazil. These are two of my babies and the list would not be complete without them. I was surprised when India was called. My g*wd... She doesn't know how to walk and with her so-so performance during the prelims, I was confident that she will be ignored this time. Then it was the time of our hometown girl, Mexico. Beautiful Smile + Great Catwalk + Vavavoom body + Support from Mexicans = Semifinal Slot for Mexico (Again, it was not MU 1993). Japan was next! She was not a THREAT early on kaya nman hindi ako masyadong kinabahan kahit na nga umuusok na ang bumbunan ko pag nakikita ko xia. Uy, pasok ang Ukraine. Yun na lang ang nasabi ko! Before the pageant started, super like ko si ateh pero nang dumating sila sa Mexico parang nawalan ako ng gana sa kanya. Paano nman kasi para lang wala sa competition, yung parang nothing.... Yun nman pala pasok... Tanzania was called. Ayun na nga at pasok si lolang kalbo. Proud din nman ako sa kanya at nakaya nyang talunin ang iba pang mga kalahok. Pasok na pasok talaga. Korea was the 14th! Nakakasampung dasal na siguro ako bago tinawag si Honey. Ayun super palakpak na ako kahit alam kong hindi matatawag ang Felepens. To complete the Top 15, tinawag si Czech Republic. Tama ba nman itong narinig ko? Saan ba xia magaling at natalo pa sina Greece, Russia, Puerto Rico, at Spain? Ay parang may naamoy akong sunog! Hahahahaha! In general, super ganda nman ng Top 15, merong 2 Africans (Angola & Tanzania), 4 Asians (Thailand, India, Japan, & Korea), 4 Europeans (Denmark, Slovenia, Ukraine & Czech Republic), 2 North Americans (USA & Mexico) 1 Central American (Nicaragua) & 2 South Americans (Venezuela & Brazil).
After tinawag ang Top Fifteen, simula na ng pa-apuyan ng stage. Lumabas na isa-isa ang 15 na semifinalists para sa SwimSuit (SS) competetion. Ayun nauna na si Ly (Venezuela)! Apoy kaagad ang stage! You can see how she really prepared for the pageant. Ayun na nga, her catwalk was perfect. Again, she doesn't know how to smile. Thailand came next with full energy. Kung meron nga lang award para sa mga energy drink, feel ko xia winner! Abot hanggang tenga ang tawa ni Lola. Then Denmark came out. Talaga lang nman. Hindi mo xia mafe-feel. Pag hindi ito ligwak baka hindi ko na tinapos yung show. Nicaragua proved why she was part of the Top 15. What a gorgeous body! Hehehehehe. Then pasok at eksena sila Angola at Slovenia. Sigaw na lang ako "Cge mga anak, ipakita ang ating lakas!" Mas lalo pa nag-init ng lumabas si USA & Brazil. Ano pa nga vah! Rachel was very confident (Not the Japan way!) Yung parang assured nya sarili nya na maganda xia at hindi na kailangang isigaw pa. Brazil was cute yet sexy... India ang sunod! Hay naku... Ayoko na at ayan na nman yung lakad nyang parang _ _ _ B _ _! Hmp! Labas si Mexico at parang napunit ang bubong na Auditorio Nacional dahil sa sigawan at plakpakan. Japan was next with her headress na CONFIDENCE. Para lamnag xiang nagprapraktis ng Ballet at feel nya na walang nanunuod. Yun lang! Grrrrr... Ukraine was ok! Her performance sealed her fate.. She will never advance to the next round. Tanzania was great. Alam ko minaliit ko xia but she delivered her goods and studied her lesson very well. Ayun, sunog lahat dahil sa init na dala niya. Hay naku! Korea ang sunod at dyosme tingnan nyo nman ang katawan! Panalo.... Grabeh! Hindi namn ganun ka polished kung maglakad pero kayang lumaban. Maganda + Seksi! Reyna talaga! Ni hindi ko nga napansin si Czech Republic. Rumampa ba xia? Oo? Ay sori hindi ko napansin!
After that very exciting Swimsuit (SS) competition, Top Ten was called. Brazil came first with her vivacious figure. Meron xia nung "umph" factor na dapat ay nasa kandidata for SS competitions. India came next and was a "TOTAL" surprise for me. What the heck was she doing there? Para akong nabaliw sa inis kay Ms. India! No offense, but she looks like a ky*mb*l as she parades herself. Japan followed her and yun na. Inis man eh hayaan na! Para xiang luka-luka sa kalalakad at parang hindi nya expect na tinatawag xia. Then came Angola & Venezuela. I was totally expecting these ladies to be in the Top Ten list. Kung makatingin nga si Angola eh para kang malulunod at samahan pa ng hindi marunong magsmile na hitad yun na. Then USA & Korea were called! Sigaw na ako ng sigaw! My Top 2 candidates were present and would do everything to win the crown. Tanzania was next! Yet, I have mixed feelings towards her inclusion. Unique xia! Thats for sure but I didn't see the spark sa SS competition. Sabi ko nag sa predictions ko na problema ko sa kanya is the fact na madali xiang matabunan ng mga dyosa. Tapos tinawag na si Nicaragua! Feeling ko na sobra-sobra ang pasakit sa akin. Tama na cguro na nakarating ang hitad sa Top Fifteen. Pasok pa rin si lola. Mexico was the last! Parang nakahinga ako ng maluwag dahil baka pag di pasok sa banga si lola, yun tapos na kaagad ang show dahil sa RIOT! Hahahahaha! In general, I like the 10 gurls sa stage... At least, it was not a Latin competition again. With the presence of India, Korea, & Japan....Asia was a PowerHouse during the Top Ten.
Ayun na nga at nagsimula nang rumampa ang mag hitad suot ang kani-kanilang Evening Gown (EG). Brazil came out with that silver-chines inspired gown! Pasok si lola! I think she forgot that she was competing on an EG competition already. Flirt-ng-Flirt si lola mo! Then came India. Ay at parang walang epek na ang gown nya. She wore the same gown (headshot, prelims, &finals) Sad Gown + Sad Catwalk + Gorgeous face = India. Ayun, japan na ang sumunod! Lilipad-lipad si ateh Riyo sa kanyang GUCCI gown. Personally, wiz ko like ang gown nya. Madali kasing masabi na maganda at fashion forward etoh pero napakadali din nmang masabihan na chuckie etoh! Subalit nakatatak na siguro sa noo nitong hitad na CONFIDENT da pat kaya para xiang naglalaro lang sa stage at enjoy na enjoy sa ginagawa niya. Sa mga taong ganito ang disposisyon sa buhay, napakadali namang ibigay ang isang mataas na marka. Then labas ang lola Angola natin in her FIERY RED gown. At ano pa vah ang ginawa ni Tita Micaela kundi ihypnotize lahat ng judges sa kanyang famous stare. Sumunod si Venezuela. Fell ko itong hitad ay hindi man lang naka-feel ng kahit anong excitement all throughout the finals lalo na nung ma-backstage ang kanyang bespwen na si Spain. Ayun labas si USA! Sobrang ganda ni Lola! Sabi ko etoh na ang panahon Rachel para ipakita ang bangis mo lola. Her dress was so cute.. HANGGANG..... Oops, at natahimik talaga ako! Ang pinakamamahal kong USA ay nadulas at napaupo sa kalagitnaan ng EG? Hindi, hindi, hindi ito maaari! Yun ang nasa isip ko. Mega bangon ang lola ko at mega smile sa camera. From that, I already knew.... She will NOT bring home the crown! ilang beses ko rin pinanood ang pagkahulog. feel ko lang sakit talaga non! Hindi nya kayang talbugan ang nangyari kay Miriam! Hindi rin xia puedeng manalo kasi baka sabihing it was just a mercy vote dahil sa pagkabagsak! Pray na lang ako ng pray na sana pasok sa banga pa rin si USA. Korea came after. Pretty talaga ng lola! Kahit cguro bumaligtad ako ganda pa rin niya. Though I prefer the blue gown sh wore during the prelims, I was confident that she's still part of the Top Five because of her lovely figure and great catwalk. Tanzania followed her. Wrong choice of gown! It was not flattering at all. Kung yung gown nya was parang yung klase ng gown ni Angola baka pumasok pa sa banga si Lola mo. Nicaragua was next. Paglabas pa lang nya wala na! Yung, as a viewer, hindi ka na excited. It would take a miracle for her to have a Top Five finish. Mexico ended the EG competition with her flaring RED gown. It was an ok performance! I would not miss her if she will not be part of the Top Five.
After the Evening Gown at bago i-announce ang Top Five, Special Awars were given. Miss Photogenic went to Ms. Philippines. This is the 7th photogenic award for the country. At alam nman nating lahat na this is through internet voting. Grabeh! Ang lakas talaga ng mga Pinoy.... Then the Miss Congeniality award was given to Miss China. Grabah nman ito! Nahulaan ko kung sino ang mananalo ng Special Awards. I am guilty! Yeah I also voted for Tere. I am reading a lot of posts saying na kaya daw hindi nasasali ang Philippines sa Semis dahil pa-konswelo na lang daw sa atin ang Miss Photogenic award. Hindi ako naniniwala dyan! Kung worth it pumasok ang kandidata sa semis kahit wagi natin ang lahat ng awards, pasok pa rin sa banga sa Mess Felepens. Kahit parang ayaw nang tanggapin ni Tere ang award proud pa rin ako na nanalo ang Felepens. Ibig sabihin lamang nito na tinatangkilik ng mga Fenoy ang MU at kahit na ano pa man ang nangyayari sa love nating bansa, nagkakaisa pa rin tayo at hindi nakakalimutang iboto ang Felefens.
Then tinawag na ang Final Five! Unang tinawag ang parang half-masaya/half-plastik na si Venezuela! Ayun at may balak talagang silang isagad ang plano nilang revenge because of what happened last year's MU kung saan na-dedma si Jicztad. Palakpak nman akei ng tinawag ang dyosa at idol kong si Korea! Ayun na nga sabi ko at parang papunta na sa ulo ni Honey Lee ang korona ng MU for 2007. Tapos si Brazil nman ang naglakad pagitna at sumama sa naunang dalawa. Hindi ko inaasahan nuon na she could reach this far! Yet, base on her performance during SS & EG competition, alam kong pasok sa banga si Lola. Si USA nman ang sunod na tinawag. Of course, I am so happy! Xia kaya ang bet ko for the crown. Kinakabahan nga lang ako sa nangyari sa kanya sa EG competition. I am sure it would affect her scores! Hindi ko lang alam if ok or hindi yung effect. Masaya na sana ako kung hindi lang tinawag si Japan! Hindi ganun kaimpressive ang performance nya during EG kaya akala ko eh ligwak na ito. Alam nyo nman guys na mortal ko xiang kaaway. Considering the result, ito yung gusto ko sanang result: Korea-Ms U, USA - 1st RU, Brazil - 2nd RU, Venezuela - 3rd RU, at Japan - 4th RU
As announced earlier, may Q & A portion para sa limang dilag na matitira! Xiempre Unang sumagot si Venezuela. Ay nako ang lola, pageant-patty answer na nman ang binigay. Yung answer na ay yung tipong i-expect mo nang sasabihin sa lahat ng beauty pageants. Dahil sa answer nya alam kong hindi nman reyna ang bading! Sumunod ang aking betchinang si Korea! At super kabado nman ako habang nagsasalita si Korea! Abay alang hiya nman talaga yung interpreter... Magsalita ba habang nagsasalita pa rin si Honey! ayun ang labas ay hindi spontaneous ang lola. Kinabahan ako! Alam kong ang gusto ng mga judges basta Q & A ay yung deretso kung magsalita. Tinawag nman si Brazil. For me, Brazil should have won! xia ang may pinakamagandang sagot sa kanilang lima (basing not only on the answer per se but also sa delivery)! Parang ang gaan magsalita ni Brazil. Sumunod na tinawag ang USA! Kaawa-awang Rachel... Super Boooo ang mga Mehikano! Parang mga walang pinag-aralan yung mga taong nag-boo sa kanya! Rachel also gave an plausible yet safe answer. Subalit alam kong hindi xia mananalo kasi hindi masyadong inexplain ang sagot niya. Last na tinawag para sumagot itong si Japan! CONFIDENCE was written all over her face mula simula hanggang wakas. Pagsagot pa lang ng lola, animo'y nakikipagusap lang xia sa kanyang kaibigan since prep. Hahahahaha! Nice ung answer nya kasi complete may PAST, PRESENT, & FUTURE pang nalalaman na pag-organize sa answer. After the interview, dalawang scenario ang naisip ko! First, Brazil & Korea (yun ay kung ang pagbabatayan ay over-all performance sa buong Coronation Night). Puede ring Venezuela & Japan (Kung base nman sa performance sa buong kompetisyon since Day 1). Hindi ko lubos maisip na ang resulta pala ay parang base lamang sa performance ng lima sa Q & A kung saan parehong humataw si Japan & Brazil.
Pagkatapos ng interview ay nag last look na sa Top 5. Gusto ko nang himatayin sa excitement specifically na confident akong panalo si Honey Lee (Korea). Nag final walk din si Zuleyka at simula na nga ng Anouncement of Winners! 4th runner-up tinawag si USA muntik na akong mahulog sa inuupuan ko dahil don... Pero keri lang! Sabi ko baka ayaw nilang masabihang "Mercy Vote" ang ibinigay nila kay Rachel at ayaw na ring ma boo ulit. 3rd runner-up sumisigaw na ako ng Japan! Alam kong susunod na si Riyo! At iyon po ay parang kidlat na super bilis (hindi ko man lang narinig ang pagtawag sa pangalan dahil sa kasisigaw ko) nakita ko nang naglalakad ppuntang gitna ang mahal kong si Korea!! Huhuhuhu! Waaaaah! Gusto kong mag-iiyak! Nainis at na-frustrate ako! Sobra! *nakita nyo ba nang tinawag ang 3rd runner-up ay naglakad paharap si Venezuela! feeling siguro nya na dalawa nlang sila ni Brazil at i-aanounce na kung si ang Winner! hahahahaha! Nang napansin siguro nyang nakatayo pa at nagmamaganda pa itong si Japan ay bumalik na lamang xia sa kanyang puwesto. Dalawa na sa 3 bet ko na nakapasok sa banga ang natanggal! 2nd runner-up na at hayun na nga walang awa ang mga judges sa akin at tinawag na si Venezuela! Pero alam ko nman na win ang bruha! kasi kung ma-observe nyo lang eh parang mabibilang mo lang kung ilang beses lang xia nagsmile sa buong pageant... At dalawa nlang talaga! Brazil & Japan na lang ang nakatayo sa gitna! Super dasal na ang lola niyo dahil sa ayaw ko ngang manalo ang mukhang kaka na si Japan. Tapos tinawag na nga 1st runner-up at gumuho na ang mundo ko kasi tinawa si Brazil. Tinanghal na nga na Miss Universe 2007 si Riyo Mori ng Japan. Siya ang naging ikalawang Haponesa na na nanalong Ms. MU.
Japan was indeed the winner of this year's Miss Universe. It is very evident that I don't like her! Yet the crown is now in her head. Wala na akong magagawa. As predicted, Asian won the pageant. I know USA was the MU on my prediction list, yet it was either her or Korea na I was referring. I got so confused if sino sa kanila ang mananalo. Ganun man, I am happy that after 7 long years, Asian na nman ang may suot sa korona!
Congratulations Riyo! Good luck!

1 comment:

Unknown said...

Hahahaha! Natatawa talaga ako sa diskripsyon mo kay Riyo!